Unang Bonding Activity ng USC Centennial Volcorps

posted by Jose Paolo Bernardo | July 26, 2008

Isa na yata sa mga pinakamasasayang gawain sa buhay ng bawat tao ay ang pagkakaroon ng bonding activity. Mga gawain na maaaring sa anyo ng isang simpleng kwentuhan at tawanan, paggawa ng mga extreme sports at marami pang iba. Minsan ay may isang guro ng ingles ang nagsabi na hindi dapat ginagamit ang salitang “bonding” sa mga tao. Ito diumano ay ginagamit lamang sa mga nakikitang bagay tulad ng pagdidikit ng dalawang kahoy o di kaya’y sa pagsasama ng mga atom. Kung literal na titingnan, tama nga naman siya. Pero ang hindi niya naisip ay higit sa nakikita ng mata ang tinutukoy ng salitang ito, isang bagay na nararamdaman ng mga tao. Bilang kasapi ng Centennial Volcorps ng University Student Council (USC), isa sa mga gawaing aming dinaluhan ay ang Bonding Activity. Kaya nga nitong nakaraang ika-21 ng Hulyo 2008 ay naganap ang unang bonding activity ng mga kasapi ng volcorps.

Tulad ng karaniwang bonding activity, unang isinagawa ang pagpapakilala sa kaniyang sarili ng bawat isa. Kasama ng ilang kasapi ng USC, naging mas masaya ang gawaing ito dahil na rin sa kakaibang paraang ginamit dito. Ang pinuno ng Secretariat Committee ng USC na si Rose Angelique “Bang” Dizon ang nanguna sa gawaing ito. Sa simula ay binigyan niya kami ng pagkakataong kumuha ng tissue plies na gusto namin. Ang katumbas pala ng bawat ply na ito ay isang pangungusap na magsasalarawan sa aming mga katangian. Bilang mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, tayo ay inaasahan na maging kritikal at malikhain sa ating pag-iisip. Kaya’t ang gawaing ito, bagaman ay simple lamang, ay nagpapakita ng mga katangiang dapat taglay ng mga iskolar ng bayan.

Matapos magkakila-kilala ay nagkaroon naman ng isang laro na nilahukan naming mga volunteers. Naging mas makabuluhan ang larong ito dahil nabigyan kami dito ng karagdagang kaalaman sa mga tunay na nangyayari sa ating bansa. Ang pagsulpot ng mga murang kainan ay tanda ng lalong paghihirap ng mga Pilipino kabilang na tayong mga iskolar ng bayan. Ang mga simpleng mamamayan tulad ni Ate Edna (pinuno ng Samahan ng mga Manininda sa UP) ay dapat hangaan dahil sa giting nito na ipaglaban ang mga karapatan ng mga kapwa niya. Si Sherlyn Cadapan at si Karen Empeno, na sa ngayon ay hindi pa rin nakikita, ay isa mga bagay na tunay na katanong-tanong sa ating paligid. Mga bagay na dapat ay ating nalalaman bilang mga iskolar ng bayan. Bukod pa sa mga ito ay ang mga kautusang ipinatutupad sa ngayon. Kung iisipin ng maigi, ang mga kautusang ito ay maraming naitatagong ibang mga bagay na hindi hantad sa ating napapasailalim sa mga ito.

Ang gawaing ito ay napahulihan ng isang diskusyon tungkol sa ating bansa. Una, ang krisis sa bigas. Totoo nga ba na may kakulangan sa bigas sa ating bansa sa ngayon? At naisip ba natin ang mga dahilan ng pangyayaring ito kung ito man ay may katotohanan nga? Nakakatawang isipin na ang isang agrikultural na bansa tulad ng Pilipinas ay isa sa pinakamalaking taga-angkat ng bigas sa buong mundo. At pati na rin IRRI o International Rice Research Institute na narito sa ating bansa ay hindi natin magamit para sa sarili nating ikabubuti. Bilang mga iskolar ng bayan, dapat ay alam natin ito at tayo ay dapat kumilos para sa pagkakaroon ng solusyon sa problemang ito, maging ito ay sa mga simpleng paraan natin. Isa pa sa mga napakalalaking problema ng ating bansa sa ngayon ay ang wala na yatang katapusang pagtaas ng presyo ng langis. Halos bawat linggo ay tumataas ang presyo nito. Kung uugatin sa ating kasaysayan, ang presyo ng langis ay nawala sa kontrol ng pamahalaan mula nang ipatupad ang Oil Deregulation Law. Isang batas na ipinatupad upang sana ay makapaghikayat ng mga banyagang mamumuhunan dito sa ating bansa. At isa pang dahilan sa pagpapatupad nito ay upang sana ay bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo, ayon kasi sa isang teorya ay magkakaroon ng pababaan ng presyo kung ang kompetisyon ay mas titindi. Ngunit sa ating nakikita at nararanasan sa ngayon ay hindi ito naganap. Bagaman at naging totoo ang pagdami ng mga kumpanya ng langis, ang presyo naman ng mga produkto nito ay parang ispageting pataas ng pataas. Ilan lang ito sa mga katotohanang nangyayari sa ating bansa. Kaya dapat ay gumising na tayo at kumilos. Kumilos para sa ikabubuti ng lahat.

Ang bonding activity na ito ay naging napakasaya at napakamakabuluhan. Kaya kayo, sali na rin kayo sa amin. VOLCORPS, Serbisyong Hardcore.

Open Letter Re: UPLB Student Council Elections

posted by Bikoy Villanueva | July 13, 2008

Isang bukas na liham para kay UPLB Chancellor Luis Rey Velasco at sa UPLB Central Electoral Board (CEB) hinggil sa Eleksyon ng mga Konseho ng Mag-aaral sa UPLB

Mainit na pagbati!

Sumulat kami upang ipahayag ang aming solidong suporta sa panawagan ng kapwa naming mga iskolar ng bayan mula sa UPLB para sa agarang paglulunsad ng eleksyon upang maihalal na ang mga konseho ng mag-aaral na maglilingkod, hindi lamang sa mga estudyante ng UPLB, kundi sa kabuuan ng sambayanang Pilipino. Malinaw po na ang patuloy na kawalan ng eleksyon para sa mga posisyon sa University Student Council (USC) at College Student Council (CSC) ay paglabag sa demokratikong karapatan ng mga mag-aaral na magkaroon ng opisyal na representasyon na siyang lalahok sa pagbubuo at pagpapatupad ng mga institusyunal na polisiya at makikialam sa iba pang usaping nakakaapekto sa kanila. 

Naniniwala po kami na ang mga huling kaganapan sa inyong kampus ay nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa awtonomiya, demokratisasyon, at kolektibong pagpapasya ng mga estudyante sa pag-oorganisa at pagbubuo ng kanilang mga institusyon. Kaya naman kami po ay tumitindig sa panig ng mga kapwa iskolar ng bayan sa paggigiit ng awtonomiya ng mga konseho ng mag-aaral at sa pagtutol sa labis na interbensyon ng administrasyon sa mga gawaing pangmag-aaral.

Samakatuwid, kasama po kami sa paggigiit ng agarang paglulunsad ng UPLB USC at CSC elections nang ginagamit ang 1985 Constitution of UPLB Student Council sa mga sumusunod na dahilan:

Karapatan ng mga mag-aaral ng UPLB na magkaroon ng USC at CSC. Alinsunod sa University System Code, Chapter 71 Article 433:

There shall be a College Student Council in each college that offers at least a bachelor’s degree program and a University Student Council in each constituent university.

Lalong pinagtitibay ang prinsipyong ito ng bagong UP Charter na naipasa ngayong taon lamang. Ayon sa Artikulo 1, Seksyon 21

There shall be established in the University the following student councils: for every college and degree-granting institute, a college and institute student council; and for every constituent university, a university student council. Each student council shall advance the interests, welfare, and aspirations of its constituents. It shall have the power to adopt internal rules of procedure consistent with the provisions of this Act.

Naniniwala kami na ang pagtitiyak ng katuparan ng karapatang ito ay ginagampanan dapat ng administrasyon ng UPLB at ng CEB. Hindi po kailanman dapat mangyari na ang mga opisina at pormasyong ito ang mismo pang sumagka sa pagsasakatuparan ng mga ito. Kinukundena ang anumang pahayag, paniniwala, o hakbangin na may tunguhing hindi kilalanin ang pangangailangan ng USC at CSC sa UPLB at ang paniniwala na ang kampus ay maaaring manatili sa kabila ng kawalan ng nabanggit na institusyon.

Ang mga mag-aaral ng UPLB ang mapagpasya sa pagbubuo at pagtatatag ng kanilang mga institusyon at organisasyon nang malaya mula sa labis na interbensyon ng administrasyon. Alinsunod sa University System Code, Chapter 71 Article 434:

The composition of each student council, its officers and the manner of selection of its members and officers shall be in accordance with a constitution ratified by the student body concerned and submitted to the Chancellor/ President.

Malinaw na binibigyang-luwag ng University Code ang mga mag-aaral na kolektibong pagpasyahan ang pagtatakda ng alituntunin sa paghalal ng kanilang mga lider. Makailang beses nang inirehistro ng mga mag-aaral ang kanilang mga kapasiyahan sa prinsipyo ng itinatatag nilang konseho sa pamamagitan ng pag-aapruba ng 94.89% ng mga mag-aaral sa plebisito noong Agosto 22-23, 1984 para sa 1985 Consitution of the UPLB Student Council. Gayundin, noong January 11, 2008 CEB meeting kung saan inaprubahan ng kapulungan iyon mismo na ang gagamitin sa kabuuang proseso ng eleksyon ay ang 1985 Constitution na sumasandig sa prinsipyo ng demokratisasyon ng partisipasyon ng mga mag-aaral sa eleksyon. Naniniwala po kami na ang hindi pagtalima sa mga kapasyahang ito ay hayagang pagsasawalang-bahala sa prinsipyong pinagkaisahan ng mga mag-aaral na demokratikong pamamahala at awtonomiya ng mga konseho sa loob ng Unibersidad. 

Kami po ay lubos na naniniwala sa demokratikong pamamahala sa loob ng Unibersidad kung saan ang lahat ng apektadong sektor ay kinukonsulta’t kabahagi ng pagpapasya.Ang anumang kapasyahang nabubuo rito ay karapat-dapat na kinikilala at ipinatutupad. Naniniwala po kami na ang pag-iral ng CEB na may representante ng mga mag-aaral, Kalihim ng mga Kolehiyo, kasama ang OSA Director ay nakabatay sa ganitong prinsipyo. Kaya naman kami po ay nananawagan na igalang at ipatupad ang kapasyahan ng CEB noong January 11, 2008 meeting hinggil sa kwalipikasyon ng mga kandidatong pahihintulutan na tumakbo para sa mga posisyon ng USC at CSC. Kaalinsabay nito ay umaasa po kami na agad na magpulong ang CEB na ito sa lalong madaling panahon upang ituloy na ang eleksyon na naantala na ng halos limang buwan.

Sa kasalukuyan, kumakaharap ng matitinding mga usapin ang mga mag-aaral ng UP at ang sambayanan. Nawa’y nagkakaisa po tayo sa paninindigan na kagyat din ang pangangailangan ng lehitimong konseho ng mga mag-aaral na kikilos para sa pagtataguyod ng kapakanan at karapatan ng mga estudyante, kaalinsabay ng pagpapalahok nito sa mga pakikibaka ng sambayanan. Ang pagkatali ng administrasyong ng UPLB at ng mga estudyante sa usapin ng eleksyon ay panahon sanang ating iginugol sa buong panahong pagkilos para tanganan ang matinding hamon ng paglilingkod sa kabila ng matinding krisis pang-ekonomiya at pampulitika na ating nararanasan.

Huwag po sana nating kalimutan na ang muling pakakatatag ng mga institusyong pang-estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas tulad ng publikasyon, organisasyon, at konseho ay ipinaglaban at pinagbuwisan ng buhay ng napakaraming mga Iskolar ng Bayan. Sa sentenaryo ng ating pinakamamahal na pamantasan, kami po umaasa na ating panghahawakan nang mahigpit ang mga demokratikong karapatan at espasyong pinaghirapang kamtin ng mga Iskolar ng Bayan.

Para sa paglilingkod sa estudyante at sambayanang Pilipino,

University Student Council
University of the Philippines - Diliman

USC Statement: The Iskolar ng Bayan in the Thick of Crises

posted by Bikoy Villanueva | July 6, 2008

Last June 20, 2008, the story of a freshman Chemistry major who dropped out on the third day of his classes found its way in the pages of the Philippine Daily Inquirer. The Letter to the Editor was written by a professor in the UP Math Department who was dismayed to find out that his student dropped out because he was assigned to bracket C of the restructured Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP), which in consequence would require him to pay P600 per unit.

Sadly, our fellow Iskolar ng Bayan’s situation has become more common in UP since the Board of Regents approved the 300% tuition and other fee increases (TOFI) last 2006, despite the lack of comprehensive consultation from the students and the absence of the Student and Faculty Regents in the meeting.

More alarming, however, is how common our fellow Iskolar ng Bayan’s plight is in this country. According to the CHED, 11 million Filipinos aged 6-24 years old or just over one-third of those in that age bracket have stopped going to school. The Commission adds that for this school year alone, approximately a million school-going Filipinos have had to drop out.

Should we be surprised? After all, as the prices of basic goods like rice, bread, canned goods, vegetables, meat, fish, petroleum products, transportation, and electricity skyrocket to record-highs, the Filipino family’s budget for sustaining their children’s education has virtually disappeared.

According to the United Nations Food and Agriculture Organization (UN FAO), families in developing countries, such as the Philippines, spend 60% of their budget on food alone. Moreover, the IBON Foundation cites that the poorest 30% of the Philippine population spends even more than that. When the cost of staple foods rises, therefore, the poor are the first to suffer. So when both the cost of staple foods and education simultaneously increase, it is nothing but a recipe for disaster for the 65 million Filipinos living below the P112/day poverty line.

Dole-outs in the form of rice and other subsidies do nothing to address the real causes of spiraling poverty and diminishing access to education in the Philippines. Many groups have insisted that a P125 across-the-board wage hike and the scrapping of VAT are realistic measures the government can take to provide instant relief to those hardest hit by the prevailing economic crisis.

Last year, the government allotted a miserable 2.66% of the GNP for education – once again, nowhere near the minimum of six percent set by UNESCO Delors Commission for developing countries. Since 1998, when the education budget peaked at 3.8%, the government has continuously and deliberately decreased public spending on education in line with its commitment to the International Monetary Fund (IMF) and its Structural Adjustment Program (SAP). The IMF’s SAP encourages governments with massive foreign debt to reduce spending on social services so as to increase allocation for debt servicing. Certainly, a look at the Philippine budget in the last eight years clearly illustrates how compliant the government has been to the SAP: giving more than half of the pie to pay off debts and leaving so little to care for the physical and mental well-being of the Filipino people.

Since 2001, President Arroyo with her administration has done nothing substantial to re-appropriate government spending and genuinely prioritize education. On the contrary, she has aggressively pushed for the full realization of the SAP through the Long Term Higher Education Development Plan (LTHEDP), which aims to make 70% of all State Universities fiscally autonomous by raising their tuition fees to private-school-level by 2010. She has also refused to do anything to alleviate the impact of oil price hikes and instead continues to implement E-VAT to the further detriment of Filipinos.

In light of all these, we demand for: the immediate rollback of the tuition increase amidst a worsening economic crisis; the junking of the UP’s most recent tuition policy (automatic tuition increase based on inflation, tuition increase to augment government subsidy, restructured STFAP), without prejudice to further investigation of the STFAP; and the increase of state subsidy for education. These are but some of the many genuine steps towards providing economic relief to all iskolars ng bayan. These are crucial steps so that families today and in the future no longer have to choose between spending for food or spending for education.

As Iskolars ng Bayan, we must analyze these social and economic issues besieging our country beyond the comfortable confines of the academe. We cannot afford to ignore the widespread hardship, which the majority of the Filipino people are barely enduring, because sooner rather than later it will affect us all – and the UP Chemistry freshman’s story will be too commonplace to be on the news.

Roll back 300% tuition increase!
Junk UP’s newest tuition policy!
Push for a comprehensive review of the STFAP!
Increase government spending on education!
Reform the Philippine educational system!

Letter from the CHE Student Council

posted by Bikoy Villanueva | July 5, 2008

Greetings!

The College of Home Economics Student Council (CHE SC) stands as the representative body of the students in the College of Home Economics. Through the years, the CHE SC exemplifies a strong and principled leadership, as well as commitment in serving the students, the CHE and UP community. Working for a great number of students, the CHE SC is indeed responsive as it consolidates a wide range of ideas and initiatives towards achieving its purpose of promoting the interests of its constituents at all times.

Recently, the CHE SC has released CHEntennial Planner for all CHE freshmen students. The said planner contains relevant information that concerns the College of Home Economics. Part of the planner discusses tips on how to get to the College of Home Economics. In this part, we had mentioned that Rinno Ray Camilit together with UP Mountaineers is spearheading the project UP PADYAK.

It is the UP Mountaineers that had spearheaded the project UP PADYAK. On the other hand, Mr. Rinno Ray Camilit, being the project head of the USC Environment Committee, was an advocate of this project and was not involved in spearheading the said project.

We apologize for providing the incorrect information in our planner. We are releasing letters regarding this incident in the College of Home Economics.

We hope that CHE SC has maintained its good relations with UP Mountaineers.

Thank you and more power!

In the service of the students,

Endorsed by:
Iris Siy
Chairperson

UP Diliman Summit

posted by Bikoy Villanueva | July 1, 2008

[This is an invitation from the Office of the Student Regent, with regards to the Diliman Summit on July 3, 2008, Thursday at the Bulwagang Tandang Sora at the College of Social Work & Community Development (CSWCD).]

Sa kasalukuyan, ang bansa ay lugmok sa sami’t saring krisis sa pinakamataas na antas. Ang bawat sektor sa lipunan kahit hindi na banggitin pa, ay tahasang nadarama ang paniniil ng mga ito: magmula sa bigas para sa kaning ihahain sa hapag magpahanggang sa kuryenteng babayarin kada buwan. Walang mabanaag na anumang ginhawa at ang pamahalaang dapat na siyang nangangalaga sa kapakanan ng mamamayan ay nakatuon lamang sa sarili nitong mga interes.

Sa panahong ito, matindi ang pangangailangan na magsama-sama sa paninindigan ang kalakhan ng mamamayang pinagsasamantalahan upang matuldukan na ang pang-aabuso.

At saan pa nga ba magsusumula ito kundi sa pagsasabi, pagtatalaban at paghuhugpungan ng mga isip ng masang inaapi?

Sa kabatirang ito, nais kayong anyayahan ng Opisina ng Rehenteng Mag-aaral sa UP Diliman Summit, isang pagtitipong magsisilbing tagpuan ng iba’t ibang sektor ng Unibersidad ng Pilipinas, kasama ang mga Iskolar ng Bayan, sa pagsasawika at pagtalakay ng kani-kaniyang mga usapin at suliranin.

Ang nabanggit ay dudulo sa pagsasa-akda ng mga resolusyong kolektibong tatanganin sa patuloy na pagbaka sa sistema. Ito po ay gaganapin sa ika-3 ng Hulyo, 2008 magsimula ala-1 hanggang alas-4 ng hapon sa Bulwagang Tandang Sora sa College of Social Work & Community Development (CSWCD) sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman.

Inaasahan po ang inyong pagpapaunlak sa napapanahong pagtitipong ito. Inaasahan din po ang inyong pakikilahok sa July 10 National Youth Boycott. Mangyaring may iba pang alalahanin o katanungan, maari ninyo po akong maabot sa 981-8500 loc. 4511 to 12 o sa sabdulwahid@gmail.com.

Maraming salamat po!

SHAHANA E. ABDULWAHID
Rehenteng Mag-aaral, Unibersidad ng Pilipinas